|
|
|
|
Ang tatsulok ay kumakatawan sa Kaisipang maka-Diyos, maka-Bayan, at maka-Tao na siyang gumagabay sa aming bawat pagkilos.
Ang sampung sinag ng araw ay sumasagisag sa sampung lider mag-aaral na nagtatatag ng MKP.
Ang tatlong tala ay kumakatawan sa hangarin naming pagkaka-isa ng Bansang Pilipinas.
Ang alibata sa gitna ng araw at simbulo ng malalim na pagka-Pilipino ng MKP.
Ang 1983 ay taon ng pagkakatatag nito.
Ang salitang Pilipinismo sa ilalim ng tatsulok ay ang Kaisipang nagsisilbing batayan ng aming mga programa at gawain.

- Precious Lara Quigaman, Nanalo Bilang Miss International.
- Mga Batang Pinoy Math Wizards; Nag Kampeyon sa Math Olympics sa Tsina.
- Jango Bustamante; Champion sa 2005 U.S. Open 9-ball Tournament (walang talo sa buong turneyo).
- Mga Batang Pinoy; Humakot ng Higit 80 Gintong Medalya sa Figure Skating Olympics sa Bankok.
- Mga Pinoy Computer Wizards; Pumangatlo sa Buong Mundo sa I.T. Olympics.
- Konsiyerto ng mga Katutubong Awitin at Sayaw; Ginanap sa Marikina Riverbank sa Araw ng mga Bayani.

Dalawampu't-dalawang taon na ang nakalilipas nang maitatag ang Malayang Kabataang Pilipino ng sampung lider mag-aaral (Nazie Besana, Rey Salamat, Fe Rosario, Aida Castillo, Tony David, Ricky SardeƱa, Erik Gilbuena, Rico Mangosing , Ranillo Estacio, at Eldon Fasonela, Buwan ng Agosto, 1983 nang makipagtalakayan si Ka Nazie Kay Tony ukol sa mga pangunahing usapin sa pamahalaang mag-aaral sa paaralan, at sa pambansang pamunuan. Inimbita sa isang pagsasanay, na naging daan ng pagkakaisa ng sampung lider mag-aaral at pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa usapin ng kabataan at ng bansa. Si Ka Nazie at Tony ay nagkaroon ng parehong pananaw ukol sa pagtatatag ng isang malaya at makabayang kilusang pangkabataan na ginagabayan ng diwang Maka-Diyos, Maka-Tao, at Maka-Bayan at paniniwalang kailangan ang pakikipag ugnayan sa mga guro at kawani ng paaralan at gayon di sa Administration upang kamtin ang isang malayang pagbabago na tinatawag na trilateral partnership. Sa mahabang panahong pamamalagi ng MKP sa EARIST ito ay nagbunga ng respeto di lamang sa Administration, Kawani, at mga Guro ng EARIST, bagkos naging gabay-batayan din ito ng iba pang paaralan at universidad. Pinagunahan nito ang pagbabago sa Konseho ng mag-aaral. Ang pagkakaroon ng kinatawan sa iba't ibang sensitibong opisina sa paaralan gaya ng Bids and Award Committee, Canteen Management Committee, at Executive Board na naging daan upang mapagtagumpayan, kasama ng iba pang lider mag-aaral sa ibat ibang paaralan, ang pagsasabatas ng pagkakaroon ng kinatawan sa Board of Trustees. Ang MKP ay lumahok din sa iba't ibang patimpalak paligsahan sa talino na nagbigay karangalan sa ating paaralan, na naging daan upang kilalanin pinakamahusay na lider mag-aaral ng Pilipinas sina Tony David at Eldon Fazonela (1984) at Nazie Besana (1985). Karangalang bangit para kina Rico Mangosing at Fe Rosario (1985).
Nanguna rin ang MKP, kasama ng iba pang mag-aaral, sa pagpapatalsik sa dating pangulo ng EARIST at ang pagpapalayas at pagpapakulong sa isang kawani ng EARIST dahil sa pang-aabusong sekwal. At napakarami pang pagkilos para sa kapakanan ng sambayanan gaya ng pagpapalayas sa base militar ng kano, pagtutol sa, Expanded Valued Added Tax, pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa at kawani, pakikipag-alyado sa iba pang kilusan at samahan ukol sa hindi makatarungan pagtaas sa presyo ng mga bilihin, koryente, at porma ng PPA. Hanggang ngayon ang MKP ay patuloy na nakikibaka para makamit ang minimithi nitong pagbabago.
(Mga kasama, ang nakatala dito ay panimula lamang. Tulungan nyo kaming buohin ang ating kasaysayan. i-email nyo kami sa mkp_pilipinismo@yahoo.com.)
Pilipinismo/GabayNgMKP/Panawagan/Kaalaman/GawainNatin/Produkto
bravenet.com